Pinalalayas po namin ng nanay ko yung live-in partner niya, pero ayaw niya pong lumayas. Ang nagbabayad po ng upa at ng mga expenses kadalasan ay yung nanay ko po.
Ito po ang mga katarungan ko:
1. Pupwede po ba naming mahingan ng tulong yung landlord para sila na lang ang magpalayas sa kanya?
2. May magagamit po ba kami na batas para mapalayas siya?
3. Anong ahensya po ba ang mahihingan namin ng tulong?
4. Kung mayroon, magkano po ang babayaran at papaano po ba yung magiging proseso?
5. Suggest po kayo ng alternatibong pwede naming gawin.
Salamat po.