Kami po ay nangungupahan sa isang appartment. 6 months na po kami at may contrata rin po na 6 mos. Bigla na lang po kaming sinabihan na hindi na ire-renew ang contrata. Wala po kaming nilabag na patakaran, wala po kaming mintis sa bayad (upa, tubig, kuryente). Nang tanungin namin ang may-ari nung una ang sabi eh dahil may gagamit ng bahay na inuupahan namin. Kinuwestyon namin ang desisyon nila kasi may 5 pang mga paupahan at ang iba ay may nilalabag sa patakaran tulad ng sobra sa 4 na miyembro pero kami po ang napili nilang paalisin. Nung muli kaming magtanong ang sabi naman nila eh dahil kami daw po ang unang natapos ang kontrata. Wala pa po silang opisyal na notice na ipinapadala at nitong katapusan hindi nila tinanggap ang bayad namin dahil yung 1 mo. advance na daw po ang gagamiting bayad. Makatarungan po ba ito? Ako po ay may may asawa't anak. Hindi po namin alam ang gagawin. Ang alam lang namin ay hindi ito makatarungan. Sana po ay maipayo kayo. Salamat po.