Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Employed without contract

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Employed without contract Empty Employed without contract Tue Jul 12, 2016 6:51 pm

Keis Pava


Arresto Menor

Almost 7 months po akong employed pero wala po sila binigay na contract. Tapos ngayon po. tatanggalin na ko. Ano po pwede ko gawin? Thank you po.

2Employed without contract Empty Re: Employed without contract Tue Jul 12, 2016 7:41 pm

council

council
Reclusion Perpetua

bakit ka daw tatanggalin?

http://www.councilviews.com

3Employed without contract Empty Re: Employed without contract Tue Jul 12, 2016 7:46 pm

Keis Pava


Arresto Menor

Wala pong sinabi. Walang sinabi na clear na dahilan kung bakit ..

4Employed without contract Empty Re: Employed without contract Tue Jul 12, 2016 7:53 pm

Keis Pava


Arresto Menor

Ganto po kasi yun .. May orientation po para sa mga bago, di naman na po ako dapat yung pupunta dun kasi naka'attend na po ako sa orientation na ganun. Pero wala pong bago na pupunta and since ako po sana yung next na ma'reregular, ako nalang po pinapunta. Okay lang naman po sana kaso the night before po ng orientation, closing po ako. 4 P.M to 1 A.M po ang shift ko, bumyahe pa po ako, 3 A.M nko nakauwi tapos 11 A.M po yung orientation then, 4 P.M to 1 A.M nanman po yung shift ko that day. Na'late po ako ng 1 hr dun sa orientation, after po nun nagalit yung boss and hindi na po ako niregular. Maayos po yung trabaho ko, hindi po ako nale'late, lahat po ng pinapagawa sakin ginagawa ko naman po ng maayos. Nag eexplain po yung chef namin kay boss para po baka ma'regular pa ko at baka po mag bago isip dahil alam po nman ng chef namin kung ano yung mga gnagawa ko sa stote at kung anong trabaho po ang gnagawa ko. Pero hindi na po nakinig sakanya si boss. Ano po ang pwede ko gawin? Working po ako under probationary employment, wala po akong contract ..

5Employed without contract Empty Re: Employed without contract Tue Jul 12, 2016 8:42 pm

lukekyle


Reclusion Perpetua

pano mo nalaman na probationary ka if wala kang contract? sino ang nagsabi na tatanggalin ka? verbal ba or written?

6Employed without contract Empty Re: Employed without contract Tue Jul 12, 2016 8:46 pm

Keis Pava


Arresto Menor

After po ng training, probationary na .. Tapos po yung termination, verbal po. Sinabi lang po na itterminate ako without valid reasons.

7Employed without contract Empty Re: Employed without contract Tue Jul 12, 2016 8:48 pm

Keis Pava


Arresto Menor

Hinihingi ko po nung una yung contract, sabi po wala pa daw po HR. Tapos ngayon po meron na, hinihingi ko po ulit pero wala padin bnibigay.

8Employed without contract Empty Re: Employed without contract Wed Jul 13, 2016 5:38 am

HrDude


Reclusion Perpetua

Hintayin mo na lang yung darating na desisyon, kung meron man. Pumasok ka lang habang walang binibigay na dokumento or order sayo na hindi ka na pinapapasok. At kapag dumating yun ay saka ka magtanong ulit kung ano gagawin mo. Kasi sa ngayon, ayon mismo sa kwento mo, ay wala pang problema.

9Employed without contract Empty Re: Employed without contract Wed Jul 13, 2016 7:12 pm

Keis Pava


Arresto Menor

Hanggang July 21, 2016 nalang po ako. Wala pong contract na binigay, wala din pong paper na bnigay para i'inform na mate'terminate na po ako .. Lahat po verbal lang .. Lahat po snabi lang sakin. And wala pong valid reason na snabi kung bakit ako tatanggalin.

10Employed without contract Empty Re: Employed without contract Thu Jul 14, 2016 6:50 am

council

council
Reclusion Perpetua

Hintayin mo ang July 21.

Pag walang written notice, pumasok ka pa rin ng July 22.

Pag hindi ka pinapasok, kasuhan mo ng illegal dismissal.

Siguraduhin mo lang na meron kang katibayan na nag trabaho ka dun - payslip, ID, etc.

http://www.councilviews.com

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum