Magpapa-advice lang po sana ako sa nangyari sa bayaw ko po na nagkamit ng injury sa ulo (around 6 stitches) sanhi ng paghambalos sa kanya sa bangko ng kapitbahay niya pong nakaalitan niya sa pag-iigib sa gripo. Hindi po siya makapagtrabaho dahil sa pinsalang natamo. Naipablotter na po namin ito sa pulis at naisangguni na rin sa barangay at may nakatakda na po hearing. Ano po ba ang dapat isampang kaso, slight o serious physical injury? Nagtangka pang pukpukin ng bato ang bayaw ko po buti nalang nakatakbo siya. Walang balak pong magbayad sa pagpamedical yung kapitbahay niya dahil wala daw trabaho. Need po bang idulog muna sa barangay bago magsampa?
I need your enlightenment po! Thank you in advance.