May concern lang po. HR po ako ng isang company (1 year experience). Tinaasan po ako ng boses ang manager ko kasama ng mura sa harap ng mga emplayado sa office. Totally pinahiya. May mga nireport kasi ako naconcern about sa complain ng isang emplayado na may ginagawang kalokohan ang kasamahan nya sa department nya.
Nag request ang complainant na itago nalang pangalan nya dahil babae sya laban sa lalaki na ni report nya and ayaw na nyang madamay pa and besides hindi lang naman sya ang nag co complain.
Nagalit ang manager sakin ng tinanong nya kung sino ang nag report and sinagot ko na "as much as possible anonymous po sana ang complainant, manager" pero in the end willing naman ako sabihin ang name ng complainant. Nagmura pa sa loob ng office. Tama po ba na itago ko ang pangalan ng complainant dahil sa privacy nya?
Last edited by DrBlues on Mon Jun 27, 2016 3:43 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : wrong grammar)