Question lang po, kasi galing ako sa isang third party firm and nag end yung contract nila dun sa client last year, dun po sa contract ko na yun, binabayaran nila ako ng 180k per year, then after 2 years ko sa kanila, nagkaroon ako ng increase na 1,500 kada buwan, and I asked them na kung pwede gawin na lang nila allowance for tax purposes, in which na pumayag naman sila.
Then, after mag end ng contract namin, sinabi ni client na may iba silang kukuning third party at dun kami ipwepwesto, at nangyari nga yun, pero nung unang usapan namin nung recruitment nila, sabi ko same salary kasama yung increase. at umok sila, pinapirmahan nila ako ng 120k per year na contract, and nung first month ko, bale 15k sya plus 1,500 na allowance ang tinanggap ko, then after ilang araw, nagpunta si hr at sinabi na aayusin daw nila yung sahod namin para "TUMAAS" daw ang sahod, kaso ang nangyari, ang ginawa nila, yung sahod ko ginawang 12k, + 3k na allowance, pero biglang nawala yung 1,500 na natatanggap ko dun sa former employee ko na binigay din naman nila nung first month, at ang masakit pa nito, yung binigay nilang 1,500 nung first month dineduct pa nila sa 2nd month ko. Tanong ko lang po kung legal ba ang ginawa nila. Kung A: may pinapirmahang contract at pinirmahan ko at B: kung may pinapirmahang contract at di ko pinirmahan.
salamat po ng marami sa sasagot.