Ganto po kasi yung nangyare
Mid-december 2014 nagresign po ako sa isang bpo company, nagsubmit ako ng resignation at nagpaclearance sa bpo company na yun, sabe po ng supervisor ko aayusin daw nya agad yung resignation process para makahabol sa cutoff ng company at makasahod pa ako.
Tapos po nung nagwithdraw na ako kumpleto pa din po yung sinahod ko, pero dapat mababawasan na sya ng 4days pay kasi nagresign na ako. Akala ko ok lang kasi sila naman naglagay ng pera sa atm ko eh, ngayon nung tumawag na ako after 60 days ng clearance ko sa company na yun sabe negative daw yung backpay ko ng 5k at kailangan ko daw bayaran sa kanila yun bago ako mabigyan ng certificate of employment. Nung nagapply ako this march sa ibang kumpanya ang sabe sakin regarding daw sa background check ko ayaw daw mag bigay ng previous company ko ng kahit anong information dahil certificate of employment ang kailangan, e pano ko mabibigay yun e ayaw nga nila irelease at dahil dun hindi na ako nakapag proceed sa bagong company. Pinapabayaran ng previous company yung sobra sa sinahod ko e hindi naman ako yung may kasalanan kung bakit sumobra sahod ko. At pano ko mababayaran yun kung wala naman akong trabaho dahil kelangan ng certificate od employment para makapag work ako. Pano po ang gagawin ko? Hindi ko naman po kasalanan na sobra ang sinahod ko. Parang pinagnakawan ko pa sila e nagresign naman po ako ng maayos. Sana po ay matulungan nyo po ako asap kasi kelangan ko po talaga makapag work since may 2 po akong anak at mga bata pa pinapagatas ko pa po sila maraming salamat po