Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

MOTION TO REVIVE RA9262 AND RA7610 (OFW FATHER)

Go down  Message [Page 1 of 1]

akosivanessamari


Arresto Menor

Good
day.Gusto ko
lang po humingi ng tulong sa inyo. Kame po ng ex
ko ay may anak na 5yrs old na ngayon. Hindi po kame kasal
pero acknowledged nya ang anak namen sa birth certificate. Dahil sa hindi sa
pagsuporta financially sa bata,idemanda ko po sya at umabot kame sa RTC sa
kasong RA9262 at RA7610 noong taong 2012. Sya po ay nakiusap na ayusin nalang
namen dahil gusto nya mag abroad. Nagkaroon kame ng kasunduan at kame ay may
court order tungkol sa magiging support nya sa bata noong June 2014.Sya na po
ang sasagot sa school expense ng anak namen na nagaaral na.Nakaalis po sya ng
bansa noong taong August 2014 papuntang KSA,sa tulong po ng OWWA,nakuha ko po lahat ng info nya sa ibang bansa pati po ang agency nya dito sa Pilipinas,finorward din po ng OWWA ang complaint ko sa OWWA Riyadh.Last
school year ay tumupad naman po sya sa napag usapan. Pero ngayong school
year,ang gusto nya ay ilipat sa public school ang bata at magbibigay nalang sya
ng 2thousand na allowance. Ang nasa court order po namen ay tuition or school
expense at hindi allowance. Nagyon po ay nakapagdecide na ako na iparevive ang
kaso dahil sa hindi nya pagtupad sa usapan. Sa 5/23/16 po ang una nameng hearing. Ang abogado nya po ata ang aattend dahil ang ex ko ay nasa ibang bansa pa.Ang sabi po ng asawa nya ay hindi na
daw kaya na suportahan pa ng ex ko ang pagaaral ng anak ko,ang tuition ay
23thousand buong taon. wala na po akong hinihingi bukod pa doon dahil may
trabaho din ako. Ang sabi po ay 18,800 lamang ang sweldo ng ex ko doon.Posible
po ba na makapagrequest ako ng Hold departure order sa kanya dahil ang alam ko
po ay pauwi sya ngayon taon. O pwede ko din ba syang kasuhan ng contempt dahil
sa hindi pagsunod sa usapan? Wala na po kameng communication ng ex ko,tanging
ang asawa nya dito sa pilipinas ang nakikipagusap pati abogado nya. maari din po
ba ako na magrequest na ang employer na nya ang magbigay ng sustento ng anak ko
at ibawas nalang directly sa sweldo nya?Or ano pokaya ang pwedeng maitulong ng Agency nya sakaling lumapit ako sa kanila.Sana po ay matulungan ninyo ako
Salamat po
at God bless!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum