Nagkaron po kasi ng karelasyon ang kinakasama ko sa isa nyang ka officemate nung una pa lang po na pag ttxt ng ka officemate nya sinabihan ko na po yung babae na tigilan ang pagttxt sa kinakasama ko lalo pa po at walang kinalaman sa kanilang trabaho, sa madaling salita hindi kami ok nung girl pero minabuti ko pong makipag ayos para hindi naman po mahirapan ang kinakasama ko sa pakikitungo sa kanya sa opisina hindi ko naman po kasi inisip na posibleng may relasyon sila. pero makalipas ang 2 buwan nakita ko po lahat ng evidence sa cellphone ng kinakasama ko. May relasyon po sila at 2 buwan na, nakita ko rin po ang messgae ng kinakasama ko na nakikipag hiwalay sa ka officemate nya pero ang sabi po nito ay buntis daw po yung babae at gustong bigyan sya ng atensyon ng kinakasama ko dahil sa kondisyon nya.
May maaari po ba akong ikaso sa kanilang dalawa?
hindi narin po ako nakakatulog ng maayos kakaisip sa ginawang kataksilan ng kinakasama ko. Sana po matulungan ninyo ako. Maraming salamat po.