Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.
butterces wrote:please take time to read po. medyo mahaba po. i badly need your help. may live in partner po ako. hiwalay po sya sa asawa. may tatlo po silang anak. yung asawa nya po, nung nakilala nya, kahihiwalay lang sa asawa at may dalawang anak. kasal daw po yung babae sa una nyang asawa. church wedding pero wala po sa civil registrar kasi po nakapagpakasal yung babae at yung live in partner ko. naghiwalay po sila ng live in partner ko kasi po addict at lasenggera po yung babae. pag uwi po ng live in partner ko, nung nagsasama pa sila, laging lasing na lasing yung babae. minsan po umaga na sya nauwi. maluho din po ito at laging pinagloloan ang asawa nya at utang po nang utang. yung mga anak po nila laging pinaaabsent sa school nung babae. noong pong naghiwalay sila, nagpirmahan sila sa atty about sa sustento. 500 po ang hininging sustento nug babae, may trabaho man po o wala ang live in partner ko. dahil gustung gusto na po talagang humiwalay, pumayag po ang live in partner ko. ngayon po, nagdemanda po yung babae dahil di daw po nagsusustento ang live in partner ko pero hindi po ito totoo. inurong din po nya ang kaso dahil lalo po silang nawawalang ng sustento dahil sa tagal ng pag usad ng kaso. ang mga anak po nila ay nasa poder ng ng live in partner ko at pinag aaral ang mga ito. pero binawi po ng ina ang mga bata dahil sa isang maliit na di pagkakaintindihan nila ng bayaw ng live in partner ko. ngayon po ay dinemanda nya ang bayaw ng live in partner ko dahil hinihipuan daw po nito ang kanyang anak gabi gabi ngunit wala po itong katotohanan. at dahil kinuha po ng ina ang mga bata, natigil na namang po ang mga bata sa pag aaral. tinigil din po ng live in partner ko ang sustento dahil napupunta lang po sa wala ang sustento kapag dumadaan ito sa ina ng mga bata. idedemanda na naman po ng babae ang live in partner ko dahil sa hindi pagsusutento. gusto na pong mabawi ng live in partner ko ang mga bata dahil bukod sa natigil ang mga ito sa pag aaral, ginagamit pa po ang mga bata para gumawa bg kwento at magdemanda nang paulit ulit at magdamay ng ibang tao. sobrang gulo na oo ng sitwasyon. paulit ulit lang po ang nangyayari. ano po ang dapat gawin ng live in partner ko? ano pong kaso ang pwdeng isampa sa dati nyang asawa base sa mga pangyayari? pano po namin mababawi ang mga bata? bukod po sa mga nasabi ko kanina tungkol sa babae, wala po itong trabaho at matagal na din po syang may kinakasama. ang live in partner ko po ay may permanenteng trabaho at halos dalawang dekada na po sa sa kanyang trabaho. sana po ay matulungan nyo kami. maraming salamat po.
Free Legal Advice Philippines » FREE LEGAL ADVICE » FAMILY AND MARRIAGE » very complicated family matter
Similar topics
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum