Simpleng tanong lang po ito at pasensiya na po kung idinulog ko pa dito. Gusto ko lang po kasi maging malinaw ang sasabihin ko sa landlady ko.
Ganito po kasi, 2 pinto ng apartment po ang nasa ilalim ng gusali at ako po ang nangungupahan sa isa sa 2 pinto. Hindi po nagkaproblema ang landlady ko sa akin pagdating sa pagbabayad ng upa dahil kadalasan pa nga ay maaga pa ako nagbabayad dahil ayaw ko lang po na kinakatok ako para sa upa so ako na po ang nag aadjust at ok lang po sa akin. Ngayon po, may umupa na rin sa kabilang pinto. Nagkataon naman po na iisa lang ang metro namin ng tubig. Hindi naman po kami nagkaproblema aa sharing ng kabilang pinto ngunit sila po ng may-ari ang nagkaproblema pero hindi ko npo inalam kung bakit. Ang problema po, 3 buwan na palang hindi nakabayad sa tubig yung nsa kabilang pinto na nagkataon naman po na umalis o lumipat na sa ibang bahay. Bago po sila lumipat,nagkaroon po kami ng meeting kasama landlady (clarification purposes about city services bills) at natapos naman po ang meeting na lahat ng party at may mutual understanding tungkol sa mga bayaring bills at alam po naming lahat na wala na ako babayaran dahil nabayaran ko na ang share ko sa tubig. So nakalipat na po ung nasa kabila kaya lang po parang ayaw niya bayaran yung naiwang bill ng tubig na nakatakda na pong maputol. Ngayon ako po ang inoobliga ng may ari tungkol sa bayad sa tubig dahil kung hindi eh mapuputulan nga po ako. Sinabi ko po sa kanila na bakit ako ang gagawa ng mga bagay na yan eh naibigay ko na ang part ko at sobra pa nga kung tutuusin. Wala po kasi ako makitang dahilan kung bakit ako ang gagawa ng tingin ko ay ang may ari ang dpat gumawa.o mali po ba ako?
Pasensiya na po ulit kung medyo magulo ang explanation ko pero sana po naiparating ko naman sainyo ung point ko. Please advice lang po at maraming salamat po.