Hi Aika. Hindi ako aware sa rules ng ibang loan. Pero kapag credit cards at auto loan, may karanasan ako. Medyo matagal na yun loan kaya naiendorse na sa collection agency. Ang mga collection agency ay kikita kung makakasingil sila sayo. Kaya normal lang na gagawin nila ang lahat para makapaningil.
Kung nakokontak ka nila sa cp mo, I suggest na huwag ka magpalit ng number. Dahil baka magpadala sila ng tao nila sa address mo at kung anu-anong estilo ng paninigil ang gagawin.
Naiintindihan ko na ang ibig sabihin mo na wala kang ipambabayad. Ang ginawa ko sa sitwasyong yan ay nakipagugnayan ako sa collection agency para malaman ko kung ano ang pwedeng terms. Pwedeng madiscount-an ang interes, pwede ring "ma-restructure" ang amount. Hanggang maaari, maghanda ka ng kaya mong ialok na terms at panindigan mo na hanggang dun ka lang talaga at huwag kakalimutang banggitin na ikaw ay walang balak tumakbo at kinikilala mo ang iyong obligasyon kaya lang napakahirap ng iyong sitwasyon.
Defaulter status ang gusto nating mangyari, ibig sabihin ikaw ay may intensyong magbayad pero wala kang ipambabayad. Ikondisyon mo lang ang sarili mo sa pakikipagusap. Minsan walang breeding ang mga collector at nakapanliliit kausap. Trabaho nila ang makapiga, kaya pipigain ka talaga.
Kung di kayo magkasundo sa terms, humingi ka ng pasensya at pakinggan na lamang ang mga sasabihin sayo. Huwag ka lang sasang-ayon kung talagang di mo kaya ang terms.
Sa ganitong paguusap, magkakaroon ka ng oras para humanap ng paraan. Palilipasin nila ang ilang linggo bago tumawag ulet. Sa susunod na pagtawag, ialok mo lang ulet ang kaya mo. Kung hindi, gagamitan ka ng panibagong pananakot. Ulit ulitin mo lang ang pagpapakumbaba at paghingi ng dispensa at ang pagkilala sa iyong pbligasyon.
Usually, maililipat ka sa ibang agnecy at uulitin ang proseso. Nasa sayo na kung sasagutin mo pa ang mga new number na tatawag sayo. Basta huwag kang magpapalit ng number para hindi sila magpatakbo ng mga tao sa address mo.
Walang garantiya ang sinasabi ko dito, ang ibinabahagi ko lang ay kung ano ang naging paraan ko, dahil kung papadala ako sa stress, baka msiraan ako ng bait at ang mga mahal ko pa sa buhay ang managot sa pagkakautang ko.
Mahaba na naman ito, kung may gusto kang linawin, itanong mo lang dito o kaya i-PM mo ako.