Magandang araw po sa lahat! Ako po ay single parent, ngkaroon po ako ng anak sa ex-boyfriend ko last 2012. Kinilala naman po ang anak ko ng ama nya infact yung pamilya nila ang nag-ayos ng birth certificate at sila din ang gumastos sa panganganak ko. Yung kapatid ng ex ko ang nagsusuporta sa anak ko before hanggang 9-10mos. Natigil yung suporta nila simula nang nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng kapatid ng ex ko. Ang ama po kasi ng anak ko ay nasa rehab since 2011 pa. Dati nabibisita nmin sya sa rehab at nakakatawag din naman sya sken kahit ilang minuto lang para kamustahin kami. Kaya lang after namin nagkaroon ng mis-understanding ng pamilya nya ay hindi na ito nakipagusap pa kahit para nalang sa anak nya. Hindi naman po ako naghabol sa sustento noon simula nang hindi na sya nakibalita sa anak namin. Itinaguyod kong mag-isa ang pgpapalaki sa anak ko. Minsan po nadalaw yung parents ng ex ko sa anak ko, hindi ko naman sila binabawalan na dalawin ang anak ko. Hindi ko lang po pinadadala ang anak ko sa kanila dahil ang gusto ko sana makapag-usap kami ng ex bago ko ipahiram ang anak ko. Ngayon po ay apat na taon na ang anak ko. Ang ex ko po ay kasama na ulit ng asawa nya at nagkaroon narin sila ng isa pang anak. Nag-abroad po ako ng 2013 right after mag-isang taon ng anak ko. Pagkatapos po ng dalawang taon tumigil muna ako sa pag-aabroad at nagkaroon narin po ako nang bagong partner at hindi magtatagal ay magpapakasal nrin po kami. Alam po ng fiancee ko ang tungkol sa anak ko at sya po ang nagsusuporta dito. Gusto nya rin po na iadopt ang anak ko at sya na ang kilalaning ama.
Ang aking po katanungan, ano ba ang dapat kong isampang kaso sa ama ng anak ko? ang gusto po sana naming mangyari ay ma-adopt ng fiancee ko ang anak ko pagkinasal na kami. Kung sakali naman po na lumaban sya sa korte at maghabol sa anak ko ano po ba ang mga dapat nyang ibigay na suporta dito? sa pagkakaalam ko po ay sya dapat ang magpaaral at magbigay nang lhat ng pangangailangan ng anak ko. Sa akin po kase wala namang masama kung sya prin ang kilalaning ama ng anak ko, kaya lng kung patuloy na hindi sya susuporta sa anak namin eh wala naman po sigurong puwang pa ang apelyido nya sa anak ko. Bukod po doon gusto kong pagbayarin sya ng daƱos dahil sa mga taon na hindi nya sinuportahan ang anak ko at kinamusta manlang. Ano po bang maipapayo nyo dito? Maraming salamat po!