Nasa China po yung tatay ng anak ko po.. may maganda naman po syang work dun... he's earning 35,000 php monthly... gago lang po talaga sya kaya hindi na po nagbibigay ng suporta. Dati ngpapadala po sya para sa anak nya, 10,000 php per month. May asawa po sya dito pero di na po sila ngsasama, gf lang po nya ako.
Sa Birth Certificate po ng anak ko, hindi po nakalagay name ng tatay nya and wala pong pirma ang tatay nya kasi nasa China po that time na nanganak po ako dito.
Alam po ng parents nya tungkol po sa bata. Pg minsan ngbibigay rin po sila ng pera para sa bata kasi mayaman po pamilya nya.
But then, ang gusto po ko sana ay i-obliga yung mismong tatay ng anak ko po na magbigay ng suporta monthly. Panu po kaya yun? Nabasa ko po, na pwede po ako magfile ng petition pero yun lang po, hindi po sya nakapirma sa Birth Cert ng anak po namin. Emails lang po meron ako..email na ngsasabi na anak po nya yung anak ko.
Sana matulungan nyo po ako. Salamat po.