nais kong itanong kung sino ba talaga ang tunay kong amo
ang nakapangalan sa working visa ko ang lalaki
ngunit ang nagpapasahod sa akin ang aking madam
simula pa noong 2013
nagkaroon sila ng sigalot n humantong sa kanilang pagdidiborsiyo
at sa pangyayaring yan kami ng mga anak nila naipit sa pagitan nila lalo na ako
kahit nakalagay na sa court order documents na ang komunikasyon nila ay diretso sa pagitan nila,,ako pa rin ang inoobliga ng lalaking magreport
naging kumplikdo ang sitwasyon ko sa mga nangyayari dahil ang pakiramdam ko ginagawa niya akong espiya kya nagsabi ako sa madam ko at ang utos sa akin huwag sundin kung hindi sangkot sa trabaho ko at labag sa loob ko
sa ginawa ko lalo akong napag initan at noon nga nakaraan taon buwan ng disyembre sumambulat sa galit ang lalaki at pinagmumura ako pati pamilya ko isinangkot
pinapalayas ako kaya ang ginawa ko tinawagan ko ang madam ko at sinabi ang nangyayari
pinakakalma ako ng madam ko at sinabihang wag xa sundin at pinatawag ang abogado sa lalaki kaya tinigilan niya ako
hindi na natapos ang gulo lalo pa akong pinag iinitan ng lalaki at noong pebrero nitong taon talagang umabot na sa sakitan.
pinipilit ng lalaki na magresign ako
ang hindi niya alam nakaraan taon pa lang nagbigay na ako ng resignation letter sa madam ko kaso hindi tinanggap at nirenew pa ang working visa ko nitong enero.
kapag ba nagbakasyon ako at hindi na babalik ano ang magiging resulat nito sa akin at sa bagong trabaho na papasukan ko?
maraming salamat po