Ngayon po ay pinipilit ako ng collection agency na bayaran ang total amount ng aking loan including interest at ako daw po ay naka demanda ng BP22 dahil maraming checks pa po ang di ko napondohan.
Pero nakiusap po ako sa kanila na kung pwede ay i-settle ko na lang ng partial partial dahil wala na po akong pirmihang hanap-buhay.
Pero ayaw po nilang pumayag. Inutusan po ako ng kolektor na umutang sa aming Brgy. Captain o kaya daw po ay manghiram ako ng check sa mga kakilala ko at iyon ang ibayad ko sa kanila.
Kanina naman po ay tinawagan ako ng aking boss dahil may tumawag daw po sa kanya na collection agency at sinabing ako ay may utang sa kanilang client at naka demanda ako ng BP22. Tinanong po ng boss ko sa kolektor kung saan nakuha ang number nya at sinabi daw pong ibinigay sa kanila ng bank kung saan may saving account ang boss ko.
Sinabi po sa kanila ng aking boss na floating nga po ang status ko sa company at ako po ay on-call lang pag kinakailangang pumasok.
Ano po ba ang maganda kong gawin? Gusto ko pong tawagan ng direkta ang bank at sa kanila na lang makipag-settle dahil hina-harrass po ako nung tumatawag sa king kolektor. Pwede po kaya un? Natatakot na po kasi ako baka po bigla na lang akong damputin ng pulis dahil isasampa na daw po ung kaso sa kin.
Maraming salamat po sa inyong tulong.