Gusto ko lang po magtanong kung anong dapat kung gawin kasi po yung friend ko nangutang sa akin ng pera worth 50,000.00. May pinirmahan po kaming agreement na dapat isurrender niya ang sss atm pension card niya para po sa terms niya ng pagbayad. Nung nareceive na po niya ang pera ang agreement lang pinirmahan niya tapos yung acknowledgement receipt hindi niya napirmahan. May binigay po siyang atm, pero nung date na po na dapat magwithdraw ako sa payment niya gamit yung atm na bigay niya wala pong laman. Sigurado po ako na hindi yun yung sss atm pension card niya na nakaindicate sa agreement namin. Ano po bang aksyon ang dapat kong gawin para mabayaran niya ako?Meron po bang legal action na pwede kong gawin ukol dito? Maraming salamat po.