Inofferan ang friend ko ng CEO ng dati nyang company(company x) para magtrabaho abroad, nagcommunicate sila online dahil nasa ibang bansa si CEO, sinabihan ni CEO si friend na urgent ang position at minadali ni CEO na magresign si friend sa current work nya (company y) at pinadalhan sya ng employment contract at inexecute nila ito tru email. Si company x ay isang IT consulting na ang main branch ay sa Australia, pero may branch din dito sa Pinas. Pinagresign sya ng CEO ng company x kasi urgent daw yung position. Kaso may isa pa palang need na paper (employment pass) bago madeploy offshore (not Australia) si friend. So nagresign si friend kasi 1. nagtiwala naman sya 2. respect kay company y (30 days notice). Then nag antay na si friend para sa employment pass na inapply ni company x sa govt ng bansang pagdedeployan, sa di malamang kadahilanan hindi naapprove ang epass ni friend, umapela ulit si company x pero di ulit naapprove. Sabi ni company x, di na daw matutuloy ang work move on na lang. Ang tanong ko po, kung icocomplain ni friend si company x ng violation of contract may laban ba sya? Direct po sila nag usap ni CEO. pwede ba sa NLRC ito? salamat po sa sasagot.