direct hiring ako, no contract at all..start kagad pagkanext day after ng interview. yung kasama ko na janitor ntransfer sa company na ito(dati sya sa isang company na may benefits), sa pagtransfer nya daw wala sya pinermahan na contract so ang alam nya as is pa rin ung contract nya sa previous company(magkakilala kasi ung boss sa both company na yun)
starting salary ko nun is 12k(fixed) then nagincrease after 6 mons to 15k(fixed until now)(with the help of a japanese worker because of my dedication sa work). ung sa janitor namin ang alam ko salary nya nun nasa 12-13k yata un then naging fixed na sa 14k.
wala kami benefits na nakukuha..no SSS, no philhealth at wala rin 13month pay.
part kami sa admin office..sumusweldo kami ng kinsenas.cut-off 10 25 ng bawat buwan at release ng sweldo eh kinsenas. nag-usap kami na alam namin na regular na kami dito at dapat may karapatan kami para hingin ung mga dapat na hingin namin. ngunit di namin maasikaso dahil sa ibang bagay na rin na ginagawa namin sa araw-araw. may plano na kasi kami na umalis dahil sa bulok na sistema ng company na ito.
pati ibang linya ng trabaho ginagawa na namin dito mula carpentry at pag eelectrical wiring. pag wala ung janitor namin ako na rin yung nag-aasikaso sa mga gawain nya.
then may witholding tax(2%) na binabawas samin simula nung nagkaaberya sila sa BIR. kinuha lahat e2 sa lahat ng empleyado mula sa mga freelancer na teachers at sa mga nasa admin din. dati wala kami bawas nun based sa payslip namin.
dati nakakahiram kami ng pera(cash advanced at loan) ng walang problema ngaun pahirapan na at minsan dedma lang kahit dinirect ko na sa boss namin na japanese ung kelangan ko. pati sa lates namin na super magkaltas..after 3 lates, bawat 30mins na late kaltas na ng 50 pesos kahit 1 min lang kaltas pa rin, wala man lang consideration.
may laban kaya kami at may matatanggap kaya kami na halaga sa pag-alis namin kung ipaglalaban namin ito?
yung company namin, may mga employee na nagtuturo ng english sa mga japanese at iba pang lahi. ung mga empleyado na yun daw ay tinatawag na freelancer lang.eh kami di na kami sakop doon kaya alam namin na may rights kami at kaya gusto rin namin ilaban ito.
may inattach ako dito na image ng payslip ko at payslip ng janitor namin at ung dating payslip ko na walang tax. iniisip namin kung pwede namin gamitin e2 as evidence?
salamat sa mga tutulong at makapagbibigay ng advice.