Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NBI Clearance Hit w/o Criminal Case Number & Trial Court Branch

Go down  Message [Page 1 of 1]

mdcsp6


Arresto Menor

Hihingi po sana ako ng advice regarding sa NBI ng partner ko.

Simula po kasi ng 2008 or 2009, hindi na po sya makakuha ng NBI clearance. Pagpunta nya po ng NBI, meron daw po syang pending case. Nag file ng kasong "Rape" yung ex-girlfriend nya nung 2002, kahit wala naman talagang nangyaring ganun. Ang gusto lang po nila ay sustentuhan ng partner ko yung bata. Bago pa po namin nalaman yung kaso na yun, tinangka din po nilang dukutin ang partner ko at bugbugin. Nagpalibot-libot po sila sa loob ng Subdivision. Sa pagkakaalam ko po, hindi sila nagkasundo sa usapan kaya nagkaron sila ng alitan.

Nabanggit din po ng partner ko na ang pangalan ng nagfile ng kaso ang hindi yung ex-girlfriend nya, kundi yung mas nakakatandang kapatid nito.

Nagtataka po kami kasi walang dumating na subpoena o kahit ano tungkol sa kaso na pinataw sa kanya. Pumunta po sya sa City Hall namin para tignan ang records nya. Pero wala pong nakitang record.. Nakakuha pa po sya ng Police Clearance, Brgy Clearance at RTC Court Clearance. Ibig sabihin, wala po talagang kaso.

Ang pinagtataka po namin, ay pano nakatungtong ng NBI ang case ng hindi man lang nakakarating sa City hall ang kaso.

Hindi naman po makapunta ang partner ko sa NBI dahil baka i-hold na sya dun at hindi na makalabas pa, dahil wala pong balak makipag cooperate yung babae.

Ano po ba ang dapat namin gawin para malinis ang pangalan ng partner ko? Wala pong naganap na rape. Nagkikita pa nga po sila noon nung babae. At recently lang, nagkaroon ng communication yung partner ko at yung anak nya sa ex-girlfriend nya.

Maidagdag ko rin po na hindi yung ex-girlfriend ng partner ko ang nagfile ng kaso kundi yung nakakatandang kapatid nito.

Posible po bang naka-blotter lang sya sa NBI?

Wala pong ibang dokumentong pinakita sa partner ko tungkol sa nasabing pending case nya. Walang criminal case number at walang Trial Court Branch na naipakita o nailabas ang NBI samin. Ang tanging naipakita lamang sa kanya ay papel kung san nakalagay ang pangalan at address nya, reklamo at ang pangalan ng kapatid ng ex-girlfriend nya. Bukod sa mga to, ay wala silang pinakitang ibang dokumento tulad ng medical na magpapatunay na talagang may naganap na panghahalay.

Naisip namin na binayaran lamang ng malaking halaga ang NBI officer na yun para lamang maipasok ang pangalang ng partner ko sa record nila ng mga may kaso.

Sana po matulungan nyo kami. Gusto ko po malinis pangalan ng partner ko.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum