Nag car loan ho ang asawa ko sa Toyota na BDO ho yung nag approve ng car loan na Toyota Hi Ace commuter.Dahil ho yun ang condition ng nag papautang bale ho 200k yung downpayment sa sasakyan na binyaran ng ng finacer at 100k cash pa ho binigay niya so 300k ho utang at 10% monthly interest sa financer.sa 100k ho na cash na binigay 30k lang ho nakuha ng asawa ko yung 70k ho sa friend at ahente n ho napunta.Lahat ho ng transactions sa toyota,BDO bank, at sa finacer asawa ko ho naka pirma.After mailabas ho yung sasakyan sa casa at that time ho kinuha na din ng financer yung sasakyan at hindi daw ibabalik yun hanggat d nababayaran yung utang na 1 month lang usapan dapat mabayaran.
Ito na ho ang problema ngayon hindi ho tumupad sa usapan yung kaibigan ng asawa ko na siya magbabayad lahat ng utang sa financer at ayaw ho pumirma sa ginawa ng asawa ko na kasulatan na yung kaibigan niya ang magbabayad sa financer dahil wala naman ho kami talaga pangbayad sa sasakyan at ganung kalaki na utang.Ngayon ho namroblema ho kami pano gagawin bukod sa kay utang ho na 300k sa fianancer na may interest na 10% per month may babayaran pa na monthly sa sasakyan na 25k per month at nasa financer din ho yung sasakyan.na dapat ho sana sa usapan yung kaibigan ko lahat magbabayad.
May laban ho ba kami sa nagyari ano ho pinaka mabuting gawin action dito
Salamat ho.
Last edited by Danecatalma on Fri Feb 12, 2016 10:57 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : Wrong content)