May salary loan po ako sa coop noong 2007. bale ung school ung nagdededuct dun sa loan namin. then 2009 umalis ako sa school na un. ang alam ko, dapat 500 pesos n lang ung remaining balance ko sa coop. But when I found out, yung 2 deduction ko by the school, hindi inihulog ng school. So, ngkaroon pa ako ng P10000 remaining balance. Sinabi ko sa coop na dineduct sa akin ng school yung hulog pero wala silang ginawang aksyon then hindi ko na nabayaran from then on. Ngayon, sinisingil po nila ako ng around P160000 dun daw sa utang ko. Question po: pwede po ba nila ako kasuhan? Makukulong ba ako dahil dun? Ano po ba dapat kong gawin? Hindi ko nman po kayang bayaran lahat yun dahil sobrang laki n. At hindi nman po tlaga yun ung halaga ng inutang ko.
Salamat po!