Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Problem with the lawyer regarding annulment

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Abcde


Arresto Menor

Ano po ang maari kong i-complain sa lawyer na after 5 months na pinaghintay nya ako hindi nya po tinupad yung sinabi nya na isi-send nya sa akin yung copy ng contract at petition letter?

Nakapag downpayment na po ako sa kanya at nagbigay na rin ako ng filing fee but after 5 months I decided to go to Public Attorney's Office at sinabi nila na i-check ko sa Regional Trial Court dito sa province namin kung ifi-nile ng lawyer ang case ko and from there I was really disappointed na malaman kong walang naka-file na annulment under my name!

Sana po ay mabigyan nyo ako ng advice kung ano ang dapat kong gawin. Maraming salamat po!

Respectfully,
Lydia A.



Last edited by Abcde on Sat Jan 30, 2016 1:28 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : Magkadikit po yung angcase at ato)

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Pwede ka namang magreklamo sa Office ng Integrated Bar of the Philippines. Baka naman hindi lawyer ang napuntahan mo at nagkukunwari lang. Ok na ba mga evidence mo? Baka naman nahihirapan kumuha ng evidence baka din kasi alam niyang di maga-grant kasi hindi sapat ang evidence.

Abcde


Arresto Menor

Salamat po sa reply FiIia.

This lawyer was highly recommended by our church pastor kaya nagtiwala ako sa sinabi nya dahil matagal nya na daw kakilala ang lawyer. Sinamahan nya pa ako personally sa office ng lawyer at doon ko nga ibinigay yung downpayment.

Evidence? You mean yung grounds po ba for the annulment? After nya po marinig yung story ko, the lawyer said that my case got all the evidence to annul. From the start of the marriage, niloko ako ng pamilya ng asawa ko,inilihim nila ang pagiging gay nya at saka lang nila inamin after namin makasal. From then on, nag suffered ako sa pakikisama sa asawa ko. Pinagtiisan ko yung pagsigaw nya sa akin at humiliation kahit sa hara ng maraming tao. Nakita ng mga kapitbahay namin how I suffered. And there'sa lot more.

At ngayon 9 years na mula ng maghiwalay kami, ni minsan hindi nagbigay ng financial support ang asawa ko sa anak nmin. Kaya nung lumapit ako sa PAO nalaman ko na abandonment yung ginawa ng aawa ko at pwede ko syang sampahan ng kaso.

Abcde


Arresto Menor

Actually nung tumawag sakin ang lawyer 1month after the downpayment, humingi na naman sya ng another payment para daw sa filing fee at isinend ko yung payment ko through LBC.
Then after another month, tumawag na naman sya para humingi ng downpayment para daw sa psychologist, kasi yun ang first step sa proceedings ng annulment.
But unfortunately that time hindi ko naisend yung exact amount na hinihingi nya at nag agree nman sya that he will process it in his cost. Dahil nung time na yun nagkasakit ako at nagpa labtest then nakita ng doc na mlaki na yung myoma ko at need ko na operahan.
At dahil 4 months na ay hindI pa ibinibigay ng lawyer yung copy ng contract, doubted na ako sa performance ng lawyer.
Kung inexplain ko yung condition ko at sinabi ko sa kanya na magrerequest na ako ng refund.

Hindi pa rin sya nagreply sa emails ko at kapag tumatawag ako nagmamadali sya kya hindi ko mkausap ng maayos at mostly hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.

At nitong January 4, 2016 lang sya ulit tumawag at buong akala ko ay may maganda na syang report regarding my case pero yun pla ay irerefer nya lang ako sa ibang attorney, I'm really disappointed kasi 5 months nya po akong pinaghintay sa wala.

Abcde


Arresto Menor

Dahil upon checking sa Regional Trial Court dito sa province nmin ay wala namang naka file na annulment under my name!

Kaya malinaw po na hindi ifi-nile ng lawyer yung case ko kahit isinend ko na sa knya yung payment ko sa filing fee.

At dahil hindi tinupad ng lawyer ang mga sinabi nya, maging yung copy ng contract at petition letter ay hindi nya isinend sa akin kaya magko-complain ako sa lawyer na ito at magrerequest ako ng refund.

Saan po ba ako magsisimula para sa complaints ko sa lawyer na ito? Taga rito po ako sa Batangas at hindi ko po alam kung saan ang Office of Integrated Bar? Is there any possible way to contact them online?

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Mostly, nasa hall of justice lang ang IBP. Why don't you just ask the lawyer for a refund first para mas ma-prove mo na niloloko ka lang kasi kung ang pag-file lang ng kaso ang problema mo, hindi yun enough grounds for sanction kasi alam naman ng mga abogado at mga huwis na ang pagpi-prepare para sa isang kaso ay matagal kasi pwede niyang sabihin, pinag-aaralan pa nya ang kaso. Pero kung naghihingi ka ng refund at ayaw magbigay, pwede mong sabihing pinagkakwartahan ka lang.

Abcde


Arresto Menor

Yes I already sent the lawyer couple of emails asking for refund pero hindi pa rin sya nagreply.

Kahit tawagan ko sya sa cp nya hindi din nman nya sinasagot.

I was considering of going to the office kung saan ko sya personally na-meet kaya lang nhirapan ako magbiyahe ngayon because of my health condition.

By the way, thanks for the advice, I really appreciate it.

Nakakapanghina lang talaga to realized na niloko ako ng lawyer at gusto lang ako kwartahan samantalang yung perang ibinayad ko sa kanya ay pinaghirapan ng tiyahin ko at ngayon ay nalagay ako sa napakahirap na sitwasyon na sinisisi ako ng tiyahin ko at napagalitan.

Kaya nman naghanap ako ng advice dito sa website dahil hindi ko na alam kung paano kokontakin ang lawyer at mkuha ang refund ko.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum