Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

need an advice please!

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1need an advice please! Empty need an advice please! Thu Jan 06, 2011 4:34 am

XXXXX


Arresto Menor

Last july 14, 2010.. namatay ang ama amahan ng husband ko, isang matandang binata na nag alaga at nagpalaki sa kanya, sya na din ang kinilala kong byenan. Pero walang kasulatan na legal ang pag ampon sa kanya. magkakasama kami sa bahay nya bilang isang pamilya.

Kaming mag asawa ang nag alaga hangang sa huling sandali nya, wala ibang kapatid nya o kamag anakan ang tumulong o dumalaw man lang sa tagal nya sa hospital, kahit sa pagburol at pagpapalibing, wala kami nakuhang tulong financial sa mga kamag anak. Matindi po ang galit ng namatay sa kanyang mga kamag anak dahil mga walang kapwa tao.

Bago sya pumanaw ay nag iwan sya ng liham.. sulat kamay nya na nagsasabing nasa husto syang pag iisip at inililipat nya ang karapatan na kami ang mangalaga ng lahat ng kanyang pag aari kasama na ang kanyang bahay at lupa habang sya ay may sakit. Kami din ang mamamahala sa pagbenta o pagsanla ng anumang pag aari nya para gamitin sa kanyang pagpapagamot. Isinasaad din d2 na kung anuman ang mangyari sa kanya, sa amin din nya buong pusong ipinagkakaloob ang lahat lahat ng pag aari nya. May mga witness na lumagda at notaryado din noong July 2010.

Ang lupa't bahay ay naiprenda nya ng umutang sya ng 40k sa isang kaibigan, nasa 60k na ngayon ang halaga kung ito'y tutubusin.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa din kaming nakatira sa kanyang tahanan, subalit kamakailan lang ay nabalitaan kong gustong tubusin ng mga pamangkin nya ang bahay at lupa para maisalin na daw sa kanilang pangalan at mapaalis na kami sa lalong madaling panahon. Kailangan ko daw silang samahan kung kanino naisanla at aayusin na daw ang pagsasalin ng titulo.

Dalawa ang kapatid nyang buhay pa, ang isa ay kinikilala kami bilang anak ng yumao at ang isa ay ulyanin na.. subalit ang mga anak ng ulyanin ang may gustong kumuha sa bahay at lupa.

Hindi dahil sa may interes kami, ngunit batid naming mag asawa na galit sa kanila at ganun din sila sa aming ama amahan, hindi sila tumulong dahil mas gusto nila mawala na nang sa gayon ay mapasa kanila na ang bahay at lupa.

Nais ko sanang malaman kung anu ang kahalagahan ng aming pinanghahawakan na sulat ng aming ama amahan bago sya pumanaw. Pwede ba namin ilaban ang aming karapatan na mapasaamin o kahit magkaroon lamang kami ng parte sa naiwanang ari arian.

Kung matutubos po ba nila ay tuluyan nang mawawala sa amin ang bahay at lupa, kung kami po ang tutubos ay maaari ba namin mapalitat kaagad sa amin ang titulo ng hindi nila mababawi? Salamat po ng marami sa inyong magiging sagot.

2need an advice please! Empty Re: need an advice please! Thu Jan 06, 2011 4:29 pm

attyLLL


moderator

you cannot claim to be the owners yet. the letter sounds like will, but a petition must be filed in court in order to have it probated. have it looked at by a lawyer to determine whether the formal requisites of a will were complied with.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum