Good Day po,
Nag submit po ng reklamo yung kapitbahay namin (presidente ng maliit na housing association sa amin) sa barangay dahil po sa construction na ginagawa sa aming bahay.
1. Ano po ba ang mga requirements na kailangan para sa house renovation na nakatirik sa lupang hindi pa pag aari? Sa ngayon po kumukuha na kami ng bldg permit sa brgy. (meron lang po kaming rights, inilalakad pa po kasi ang request to purchase)
2. Nagpadagdag po kasi ng concrete 2nd floor yung parents ko, pero hindi po nila alam na kailangan ng building permit dahil hindi pa po sa amin yung titulo ng lupa.
3. Yung housing association po sa lugar namin ilang taon na pong inilalakad yung papeles para sa lupa pero walang nangyayari. Duda na po kami kasi patuloy silang naniningil pero sulat kamay sa papel at index card lang po ang ibinibigay. Naningil sila ng mahigit 7000 noong nakaraang buwan (para sa membership at survey ulit). Ganoon po sila kada ikatlong buwan. Wala pong nagaganap na land survey sa lugar namin. Paano po ba malalaman kung legal ang housing association sa amin?. At kung totoong may inilalakad silang papeles para sa lupa, nagtanong na po ako sa LRA. Pero wala daw pong record para sa concern namin.
3. Mismong mga opisyal ng nasabing housing association ay nakapagpatayo din ng 2nd floor na walang building permit kaya akala po namin ok lang. Pare pareho po kaming wala pang mga titulo.
Sana po'y matulungan nyo kami.
Kami po ng aming mga kapitbahay ay umaasa.
Maraming salamat po!