Ako po ay may bakanteng lupa sa loob ng subdivision kung saan ako nagpapark ng sasakyan. Ito po ay galing sa dating lupa ng aking lola, na dinevelop ng isang debeloper. Ngayon po ay pinagbabawalan kami na ipasok ang aming sasakyan ng assn ng homeowners dahil may utang daw kami na monthly dues. Ganito din po ang ginagawa nila sa tenant ng aking kapatid. Kami po ay hindi miyembro ng assn. Nanghihingi po ako ng kasulatan ng batas nila na nagsasaad ng aming obligasyon, ngunit wala daw po kaming karapatan na makita yon. Nagpahayag po ako sa kanila ng intensyon ma maging miyembro, basta magkaroon ng fair, just and reasonable treatment of its members. Ano po ang pwede naming gawin, wala po kami mapgparkingan ng sasakyan. Sana po ay matulungan myo kami.
Free Legal Advice Philippines