Regortom, make sure to be apprised always sa Employment Agency kung ano na yung current status sa deployment nyo sa Qatar and also try to affirm on your side as well kung meron ba talagang economic crisis sa Qatar that warrants such delay. Get details and names para alam nyo kung sino yung nagsasabi na merong ganyang occurrence.
Next step, please go to the nearest POEA office para maipagtanong nyo kung meron nga bang problema sa Qatar ngayon, and also tanungin nyo na rin kung registered agency ba yung nilapitan nyo at kinontract with. Usually naman, may help desks sila that can try to find out about your case.
At worst, kung nanloloko yung agency, pwede silang makasuhan. Siguraduhin nyo lang na lahat ng contracts and sinasabi nila sa inyo is written and acknowledged by them para magamit na evidence kung sakali man umabot sa korte.
Good luck sa sitwasyon nyo.