Hello po! Tanong ko lang po kung ano pong pwedeng action ang gawin namin against sa pinsang buo ng asawa ko na dating nakatira dito sa bahay namin. Tumira po sya dito for 12 years. Umalis sya dito last December 2015. Inaaccuse po nya na inattempt ng asawa ko na pagsamantalahan sya. 3 Times daw po at 3-5 years ago na. Ang sabi po ng asawa ko, wala syang ginawa kahit anong kalaswaan dun sa pinsan nya. At naniniwala po kaming hindi nya ginawa yun, at puro kasinungalingan lang yun. Sobrang nagalit po ang parents ng asawa ko sa biglaang pag alis ng pamangkin nila. Matapos syang pag aralin ng high school at college. Malapit na rin pong umuwi dito sa Pilipinas ang inlaws ko, hindi nya pa nahintay na dumating bago sya umalis.
Free Legal Advice Philippines