Good day! Bumili po parents ko ng lupa, ang usapan nila ng owner, 50-50 ang bayad. 50% first payment (after deed of sale) 50% after maasikaso ang titulo ng lupa. Pumayag po ang both parties. Naibigay na po ang deed of sale and the 50% payment. Pero ang nangyari, nagrequest ng nagrequest ng pera ang land owner dahil kailangan daw nila ng pera. Hanggang sa umabot sa point na almost 75% na ng full amount ang naibigay sa land owner. Ngayon, humihingi na naman po ng pera yung land owner, so ayaw na magbigay ng parents ko ng pera since may usapan sila. Nagalit yung land owner at ang sabi, sila na daw po muna ang kukuha ng rent ng mga establishments sa lupa since hindi pa full paid ang lupa. (Ang usapan po nila dati, after the first 50% payment, parents ko na ang kukuha ng rent). Ano po ba ang legal actions at the right thing to do with this matter? Thank you in advance.
Free Legal Advice Philippines