Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Unpaid debt. Nahihirapan akong maningil

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Unpaid debt. Nahihirapan akong maningil Empty Unpaid debt. Nahihirapan akong maningil Sun Dec 27, 2015 4:30 pm

quieley


Arresto Menor

hi.

Sana po matulungan nyo ako sa tamang proseso.

Eto po sana yong problema ko na ihihingi ko ng tulong. Ganito po kasi yong nangyari. For sale yong bahay namin sa Surigao, ng mabenta last March 2014 sinekreto ng lola ko na nabenta na. Worth 400,000. Yong kita nun pinautang nya sa mga tao. Hindi namin alam ng mama ko. Bahay po un ng mother ko. nakapangalan lang sa lola ko kasi nasa abroad si mama nung time na pinagawa ung bahay. Hindi na nailipat. So ung kita nagawa talagang e sekreto ni lola. Nung umuwi ako sa Surigao last May 2015 doon ko nalaman na nabenta na nga. Kinausap ko ung mga may utang na bayaran ako. Sa ngayon hirap hirap po akong maningil. sobrang tigas nila, ayaw magbayad. o kaya sobrang tagal. minsan umaabot ng 2 months. minsan naman wala talaga.

pero may pinirmahan po sila na sulat, handwritten na umutang talaga sila ng ganung amount. Eto po ung amount na natitira na babayaran pa nila: 44,000 ; 66,000 ; 85,000. minsan po sinasabihan ko na sila na makonsensya naman sana dahil nga kelangan namin ung pera. pang tuition sa mga kapatid ko. sinasabihan lang ako na pagnakarinig daw sila ng hindi magandang salita sa akin mahihirapan daw ako maningil. e sabi ko lang naman na paunti unti na nga ung bayad nila iniintindi ko pa rin sila, makonsensya naman sana.

un po sana ihihingi ko ng advise sa inyo. sana po matulungan nyo ako sa sagot. di ko kasi alam gagawin. wala po kaming pera talaga para kumuha ng abogado. baka po mahal. tama lang ung kinikita namin sa pang araw araw.

maraming salamat po.

Ruffa Santos

Katrina288


Reclusion Perpetua

Hi,

Pwede ka pumunta sa Hall of Justice sa lugar ninyo at patulong ka magfile ng Small Claims. Hindi kailangan ng abogado doon. May i-fifill up ka na papers and pa-guide ka sa kanila ng process. Sana may properties yang mga umutang sa iyo

Regards,

Atty. Katrina

http://www.kgmlegal.ph

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum