Hi good day! Mag ask lang po sana ako sa inyo kung ano pa po ang ibang kaso na pwede kong isampa sa kapitbahay namin. Maghapon po kasing paputok ng paputok. Ang naiiwan lang po sa bahay ay ako at ang anak ko na six months palang. Araw-araw ho silang nagpapaputok ang pahinga lang ay tanghalian at kapag tulog na sila. Sa araw-araw na yun binabawal ko po sila dahil napakahirap pong magpatulog ng baby. Minsan nananadya pa po at sa tapat mismo ng kwarto naming mag ina nagpapaputok. Nagkakaroon na nga rin po ako ng niyerbyos. Kapag nagpapaputok sila nanginginig po ako. Nawawala ako sa ginagawa ko. Nagpablotter na po kami sa brgy wala naman po sila ginawa. Gusto ko po talaga sila sampahan ng kaso. Natatakot na po kasi ako sa ginagawa nila saming mag ina. Salamat po sa papansin
Free Legal Advice Philippines