hingi lng po sana ako nang tulong kng panu po ma solve yung problem ko na to..
ang nangyari po kasi ay mgpapa-renew po sana ako ng lisensya ko sa LTO, nghintay po ako ng mhigit na isang oras tapos tinawag po ako at sinabihang pumunta po daw ako sa main LTO office at pumunta sa law enforcement. pumunta din po ako. sa law enforcement po sinabihan nila po ako na may alarm ang lisensya ko at nkalagay na driving with expired driver's license. na encode daw sa system nila noong June 6, 2012..ang pinagtataka ko lng po kasi valid po yung license ko from January 2011-January 2014..ang naalala ko lng kasi btween 2011 and 2014, dalawang beses nkuha lisensya ko, dahil yun sa nabangga yung sasakyan ko..at dala-dala ko palagi yung lisensya ko..
tinanong ko po sila kng kailan ba talaga nangyari ang insidente na nadakip ako at expired license ko. tinanong ko rin po kng saan nangyari, at kung sino nag encode..wala silang ma i sagot po..pinababayad din nila po kasi ako nang P260.00+ dahil doon..
wala talaga akong maalala na nadakip ako at expired license ko po..anu po ba dapat kng gawin atty?tulong po..salamat..