Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please Help Need Your Legal Advise

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Please Help Need Your Legal Advise Empty Please Help Need Your Legal Advise Wed Dec 09, 2015 10:20 pm

K3ng


Arresto Menor

Hihingi po sna ako ng tulong kung anu ang nararapat kong gawin sa relasyon namin ng asawa ko.. Ako ho ay 36 years old kasal sa huwes at may 4 na anak. 2yrs na ho akong OFW, pero bago ako nakaalis ay baun na ho ako sa utang ng mahigit 100k pesos, sa loob ng unang taon ko dito ay pinilit kong mabayaran lahat ng utang bukod pa sa pagpapadala ng allowance ng pamilya ko na 30~35k pesos kada bwan. Isang beses nagmessage sakin ang kapatid at nanay ng asawa ko sa kadahilanang hindi pa nababayarang utang ng asawa ko sa kapitbahay ng byenan ko at ang byenan ko ang kinukulit ng nagpautang, napilitan akong bayaran ito at pinadala ko sa asawa ko ang pambayad subalit hindi pala nito ibinayad ang perang ipinadala ko, at dahil dito ay nag away away silang mag iina.
   Nuong pinayagan ako ng aking employer na makapagbakasyon at sa kagustuhang supresahin ang pamilya ko ay inilihim ko ang aking pag uwi at ng umuwi ako makalipas ang unang araw ay ako ang nasopresa ng malaman kong baun pa pala sa utang ang asawa ko, halos 50k pesos kaya ang dala kong pera na imbis na ipangpapasyal naming magpamilya ay napunta lang sa pambayad utang. Punong puno ako ng hinagpis dahil ni hindi ko nagawang ipasyal ang mga bata ngunit sa kabila nito ay naging masaya akong malaman sa pagaakalang nabayaran na ang lahat ng utang. Makalipas ang 2 lingo mula ng pagbalik ko sa Korea, umamin sakin ang asawa ko na meron pang mga utang na hindi ko nalalaman at nang kinuwenta ko ito ay umaabot ng 60k pesos pa, itoy mga utang na palihim na ginamit ng asawa ko sa hindi malamang kadahilanan dahil hindi nya sinasabi sa akin kung saan nya ginagamit ang pera, pero madalas ang bukambibig nya ay matakaw daw sa gatas ang bunso namin. Hindi ko maintindihan kung saan nya ginagamit ang malaking halaga ng pera bukod sa pagbili ng pagkain o pagkain sa labas gaya ng Jollibee at pambayad ng mga utang na madue due. Sobrang galit ko nuon sa asawa ko kaya humingi nako ng tulong sa kapatid at nanay ko at pinilit kong mabayaran ang mga utang nito, pero kapalit nito ay pinakiusapan ang mga nautangan nya na sana ay hwag na pautangin ulit ang asawa ko. Humingi naman ng paumanhin ang asawa ko sa pagtatago sa akin ng mga utang pero nagalit sya sa nanay at kapatid ko dahil sa ginawa naming pakikiusap sa mga inutangan ng asawa ko na hwag na syang papautangin ulit.
   Hanggang ngaun ay paulit ulit naming pinagtatalunan ang nangyari at madalas ay nagbibitaw sya ng masasakit na salita sa buong kamaganakan ko. Madalas din ay binabalikan nya ang mga nakaraang pangyayari na kasalanan ko at pati ang pakikipagsex sa kanya ay sinusumbat sa akin, maging pagmumura ay sa akin nya daw natutunan, nagsasawa na ho ako sa palagi naming pag aaway. Kanina ay nakausap ko ho ang aming panganay na anak at nabanggit ng anak ko na madalas daw silang pagalitan at sa kanila daw ibinubuhos ang galit ng asawa ko sa mga panahong nag aaway kami, nalaman ko rin na binubungangaan ang mga anak namin at kung minsan ay sa labas pa ng kalsada. Pati ho mga bata ay nai stressed na sa asawa ko.
   Sana ho ay mabigyan nyo ng kasagutan ang mga katanungang ito:
1. May basehan ho ba ang asawa kong magdemanda laban samin ng nanay at kapatid ko sa pakikiusap sa mga inutangan ng asawa ko?
2. Gusto ko na hong makipaghiwalay sa asawa ko dahil madalas ay naiistress ako kapag kausap ko sya sa mga binibitawan nyang salita at panlalait sakin at sa kamaganakan ko. Kung makikipaghiwalay ho ako anu ho ang kelangan kong gawin at anu ang pwedi kong idahilan sa legal na pananalita?
3. Anu ho ba ang batayan ng child custody at child support sa Pilipinas?
4. Anu ho ang pinagkaiba ng annulment sa divorce at sa legal separation?
5. Pwedi ko ho bang kasuhan ang asawa ko dahil sa ginagawa nitong pagbibitiw ng mga salita laban sa akin, sa mga anak namin at sa mga kamag anakan ko?
6. Sa papanung paraan ko ho maisasalba ang mga anak naming laban sa verbal abuse na ginagawa nya?

Humihingi ng tulong
K3ng



Last edited by K3ng on Sat Dec 12, 2015 11:59 am; edited 2 times in total (Reason for editing : additional question)

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum