Gusto ko po humingi ng tulong sa sitwasyon ko. Taong 2009 po naikasal ako sa isang Japanese National dito sa Pilipinas nangyari po ito sa kadahilanan na rin na gusto kong mabago ang aming pamumuhay pero hindi po ngtagal hindi po naging maganda ang aming pagsasama.Sa mga sumunod na taon may dumating na sulat sakin galing Japan na gusto na nyang miki pag divorce taong 2012 po dumating ang Final desisyon galing korte ng Japan na pinapawalang bisa na ang aming kasal o Divorce na kami. Ngayon po kasi gusto ko nang lumagay sa tamihik naaawa po ako sa asawat anak ko kasi hindi po legal ang aming pagsasama pa.Lumapit na po ako sa isang Private Attorney mahigit nasa 35 thousand po hiningi at wala pa ang ibang gastos.May mga katanongan po ako na sana mabigyan ng kasagutan.
1. Pwede ko po ba ifile to sa Family Court sa Manila kahit nakasal sa probinsya? para mas maasikaso ko ng maayos
2. Saan po ako pwede humingi ng tulong sa PAO na malapit?
3. Matagal po ba proseso nito?
4. Ano ang mga dapat na gawin?
Maaming salmat po sana masagot nyo po ang aking mga hinaing.