After ko po magdown payment P5,000 dati, binigyan po ako ng Policy Acceptance sheet kung saan nakalagay ang halaga daw po ng babayaran ko monthly. Sinabi sa akin na ang P5,000.00 na iyon ay ibabawas pa sa kabuuang halaga ng processing fee para sa unit na aking kinukuha. NAkalagay din doon na ang babayaran ko para sa processing fee sa loob ng 2 taon ay P3,100.00 monthly at ang magiging monthly para sa unit sa loob ng 30 taon ay P5,319.21. Ang P5,319.21 daw na iyon ay maari pang bumaba at hindi na tataas sa halagang iyon. Bago ako pumirma ng kontrata, tinanong ko kung wala na bang mababago o madagdag na babayaran pagdating ng panahon katulad ng equity dahil yung mga magulang ko nanguha ng bahay dati mayroon talaga agad equity. Malinaw po sinabi na yung P3,100 at yung P5,319.21 lang dw ang babayaran bukod sa mga Home Owner’s fee, fire extinguisher & monthly dues na lang ang madadagdag sa babayaran. At dahil nakalagay naman sa kontrata na yung additional equity ay “ as may be applicable”, ibig sabihin sa case ko hindi applicable ang equity base sa sinabi sa akin sa opisina nila pumirma ako ng kontrata kahit na nakalagay doon na hindi na marerefund yung naibayad ko kapag nagback out ako.
After 1 year po ng pagbabayad ko bigla ako pinatawag at sinabi na may mali daw sa computation ko at dapat ay may equity daw ako babayaran na P118,000 na babayaran ko ng 2 yrs amounting P5778 monthly na hindi ko naman na po kakayaning bayaran dahil sa mababa lang ang salary ko. Ang pinagbabasehan daw po kasi ng computation yung payslip. E yung payslip at ibang documents naipasa ko na po bago pa mag 1 month after ko magbayad ng down. Dapat 1 month to 3 months nacheck na nila yun pero umabot pa ng 1 year kung kelan malaki na yung naibayad ko.
Binigyan naman nila ako ng option humanap ng co borrower, or sasalo ng unit ko kaso wala nman po ako makuha.Ililipat nila ako ng mas mababang unit kaso hindi ko naman na po gusto yung pwesto ng bahay dahil masyado na po malayo.Pinadaya pa po nila sa akin yung cert of employment ko at payslip para daw matanggal na yn equity. Sabi bago mag 1 month malaman ko na yung result. Umabot na ang 3 months kahit po estimated na amount hindi nila ako mabigyan. kaya nagdeside na po ako na mag back out. Inabot na po ng taon hnggang ngayon matigas pa dn po talaga na 30% lang ang ibabalik nila dahil dapat daw wala talaga dahil sa contract na pinirmahan ko. Hindi naman po kasi katanggap tanggap na 30% lng ang ibabalik nila. Kahit 70% na lang sana pwede pa, pero 30% garbe naman. Consideration lang daw po yun 30% dahil nagkamali sila. Alam ko naman po yung pinirmahan ko contract kaso dapat po meron din yung butas kasi, okay lang kung nagback out ako dahil lang pagtagal hindi ko na kaya bayaran yung amount na sinabi nila. kaso yung sa kaso ko po hindi ko po kasalanan yun kung nagback out ako dahil sila po ang nagkamali at nagdagdag sila ng bagong babayaran. Kung hindi sila nagkamali, maaaring sinadya nila yun.
Meron po nagsabi sa akin na hindi daw liable yung company dahil nagkamali yugn staff nila, tama po ba iyon? Dahil staff lang nila ang nagkamali ng pag compute wala ng pananagutan yung company at hindi na talaga nila ibabalik yung pera ko?
Sana po ay mabigyan nyo po ako ng legal advice. Maraming salamat po.