Legally married with 4 children po ang ate ko sa asawa nya. Nakatira po ang ate ko at mga bata sa father-in-law pero yung asawa ng ate ko ay nakahiwalay kasi magkaaway po sila noon pa dahil broken family po sila. Noon, nadalaw-dalaw pa ang ama ng mga bata at nagbibigay kahit Php100. Ang ate ko po ay naglalabada at nagmamassage. Kahit Php100 lang ang binibigay ng ama ng mga bata, kahit papaano makakatulong pa din sa gastusin ngunit 5 months na pong hindi nagbibigay ang lalaki at kung saan-saang barangay nya nireport na ang ate ko ay inasawa ang byenan nya na kalaunan ay inamin nya na gawa-gawa lang nya dahil sa matinding galit dahil ayaw na ng ate ko tabihan ang asawa nya sa kadahilanang napakadami na nilang anak at di pa ligate ang ate ko at incapable din silang buhayin ang mga anak. Nagmitsa po ito ng matinding galit sa lalaki kaya siniraan nya maging sa mga teacher ng mga bata ang ate ko. Galit po ang mga taga barangay sa ate ko dahil kasuklam-suklam at nakakadiri nga naman po ang ibinibintang sa ate ko kahit hindi po ito totoo. On the other hand, hindi naman magawang palayasin ng father-in-law nya ang ate ko at mga bata dahil naaawa din sya. Ngunit kulang din ang kinikita nya sa pagttricycle dahil matanda na ito kung kaya't kailangan talaga ng suporta ng ama ng mga bata.
Ang problema po, ayaw nang pakinggan ang ate ko ng mga barangay, kampi sila sa lalaki. Ngayon may sakit ang isa nilang anak at di malaman kung saan hiingi ng tulong. Sana po bigyan nyo kami ng advise para maobliga po ang lalaki na suportahan ang mga anak nya.
Thank you!