Tanong ko lang po kasi nag Salary Loan po ako sa SSS noong 2007, unfortunately di ko po agad agad na coordinate sa Agency ko na i deduct. Nag start na lang po ako nag pa deduct noong 2013 until today 2015. Bale po doble na po ung amount from my monthly amortization ang pinapadeduct ko which is 1338.00. Nung naka bayad na po ako ng 20 thousand may utang papala ako na 19 thousand. Ang original loan ko po is 14000. Wala nman po ako pambayad na isang bagsakan lang kaya pinapadeduct ko ito. Nung nakiusap po ako sa SSS na i pa stop ung interest, hindi po sila pumayag. Baka po pede nyo ako advise kasi baon na ako sa utang. Ang hiling ko lang naman po sa SSS is stop ung interest para po di na ako mabaon at babayaran ko ung loan via deduction sa Agency ko.
Sana po mabigyan nyo ako ng advice.
Thank you