Iniwan ako ng Asawa ko 2 years ago, may kinakasama na din siyang bago at 2 years na din sila. ang relasyon namin bago naghiwalay ay masasabi kong totoong magulo na halos araw-araw na nga kaming nag-aaway na kung minsan ay nasasaktan ko pa nga sya. may 3 akong anak sa kanya at puro kolehiyo.
kahit naman po iniwan nya ako, sa 2 years na paghihiwalay ay hindi sya tumigil sa pagsuporta sa mga anak namin. kahit hindi malaki ang kaniyang sinsahod higit pa sa kalahati ng kanyang sahod ang ipinapadala sa akin (kinsenas at katapusan). bukod pa doon ang pagbibigay ng allowance sa mga bata. pati ang pagbili ng mga damit at gamit sa school at mga kailangan sa school tulad ng tuition fee at gastos sa project.
nalaman ko na maganda at malaki pala ang sahod ng kinakasama nya, hindi naman din tutol ang babae na ibigay ang lahat ng kailangan ng mga bata. minsan pa nga sya din ang nagpapadala ng pera sa amin at bumibili ng ilang personal na gamit ng mga bata.
nabalitaan ko na may nabiling van ang babae pero nakapangalan din sa kaniya ang deed of sale ng sasakyan, binigyan din ung babae ng kanilang company ng isa pang sasakyan.
ang tanong ko po ay:
1. pwede ko pa kaya sila idemenda kahit wala naman pagkukulang ang asawa ko sa responsibilidad nya?
2. ung dalawang sasakyan at mga gamit na nabili nila pwede ko po ba kuhanin ang mga iyon dahil ako parin naman ang legal na asawa? (kahit pa hindi naman sapat ang natitira sa asawa ko para makapagpundar)
3. hindi po kaya magamit laban sa akin ang pagtanggap namin ng mga bagay at tulong pinansyal mula sa bago nyang kinakasama?
maraming salamat po. sana ay matulungan nyo ako...
beth