based sa contract na pinirmahan ko bawal ako kumuha ng kahit anong projects even after working hours ko sa company.
pag napatunayan na tumatanggap ako ng project kakasuhan daw ako at mag ffine pa ako ng PHP300,000 sa company.
for probationary employee, meron kaming salary ng PHP350 per day.
then 1 week after signing the contract, meron binigay sa amin na rules and regulations.
ang pinaka ayaw ko lang naman dun si kapag wala kang output within the day you will be marked as absent, so affected ang sweldo ko.
minsan kasi dahil nga sa web programming ang ginagawa namin.. may times na hindi ako nakkatapos ng isang task sa buong maghapon.
which is common naman talaga pagdating sa programming lalo't malaki ang sakop ng ginagawa ko.
so upon calculation ko I will only receive less than PHP7000 a month!
which is bad kasi meron akong binubuhay na pamilya at parang hindi makatarungan yung ganung klase ng sweldo.
may 2 years experience naman ako kaya napag isip isip ko na mag resign na lang.. kahit dipa tapos yung probationary period ko.
ang question ko.. possible ba na makapag file ng case against me si company kung sakali magbigay ako ng immediate resignation?
natatakot kasi ako dun sa fine na PHP300k if ever mag file sila ng case against me.
sa twing magsasabi kasi ako na magreresign na lng ako lagi nilang pinananakot sakin yung contract na pinirmahan ko/
Last edited by kimpoy010 on Sun Oct 25, 2015 6:16 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : added a few sentences to clear starements)