Nag resign po kasi ako at ang effectivity ay November 20, 2012. Ipinasa ko po yong clearance ko, fully accomplished at cleared naman nong December 11, 2012. Ang policy po ng company ay ibigay ang final pay 45 days after.
Hiningi ko po na sana ay mauna nang ibigay ang 13th month dahil ang due naman non ay on or before December 24, 2012. Ang sabi po nila hindi daw pwedeng maunang ibigay yon dahil kasama yon sa final pay at ang cut off nila ay Nov 30, 2012.
Tanong ko lang po, pwede ko po bang i demand sa kanila na mauna nilang ibigay ang 13th month ko separate sa Final Pay ko? Kasi po kung isasama sa Final Pay, malamang last week of January 2013 ko na makukuha yon. Kailangan ko po kasi yong 13th month dahil mula nong November 30 wala na akong sweldo at maraming pagkakagustusan itong Disyembre.
Hindi ko lang po alam kung may topic ng similar dito. Sana po ay maliwanagan nyo ako tungkol dito.
Maraming salamat po.
Last edited by rtpenero on Wed Dec 12, 2012 12:34 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : Final Pay ay hindi Katulad ng Back Pay)