Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Not Legally Separated

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Not Legally Separated Empty Not Legally Separated Wed Oct 21, 2015 5:02 pm

alliah_21


Arresto Menor

Good Afternoon po,

4 years na po kaming hiwalay ng asawa ko at mayroon kaming isang anak na lalaki na nasa pangangalaga ko,hindi po sya nagbigay ng kahit konting sustento hanggang ngayon na umabot na sa limang taon ang anak namin,at ngayon po binabantaan niya ako na kukunin niya ang anak ko, nagkaroon po siya ng relasyon sa ibang babae gnun din po ako? maari po ba akong kasuhan ng lalaking pinakasalan ko kung siya din ay nagkaroon ng relasyon sa ibang babae? at ano pa po ba ang maari kong gawin para hindi na nya kami guluhin? nagkaroon din po kami ng pirmahan sa Brgy. na sa pag hihiwalay namin ehh susustentuhan niya ang anak ko pero hindi naman po niya yun tinupad. Anu po ba ang pwede kong gawin?

Salamat po.

2Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Thu Oct 22, 2015 5:42 pm

marlo


Reclusion Perpetua


Parehas may sala kung mapapatunayan ng bawat isa sa court.

Kung walang sustento, file RA9262 case. Asawa mo pa din sya, kaya nararapat lamang nag magbigay sya ng supporta para sa iyo at para sa mga bata.

3Not Legally Separated Empty Not Legally Separated Fri Oct 23, 2015 9:47 am

alliah_21


Arresto Menor

paano po ba? o ano po ba ang mabigat na maaring maging ebedensya kung sakaling ireklamo namin ang isa't isa? mayroon din po siyang pinirmahang kasulatan sa barangay tungkol sa suportang pinansyal na ibibigay niya sa kanyang anak ngunit hindi naman po niya iyon natupad. Sapat na din po bang ibedensya na may hawak siyang litrato namin ng naging karelasyon ko ngunit wala naman kaming ginawang masama kundi kasama lang namin ang aking anak, ako naman po ay may mga larawan niya at ng kanyang babae at ilang mga posts na magpapatunay na talagang magkarelasyon sila nung babae. at kung sakaling sampahan niya ako ng kaso maari ko din bang gawin yun saknya kasabay ng pagreklamo niya sa akin?
Salamat po.

4Not Legally Separated Empty Not Legally Separated Fri Oct 23, 2015 9:53 am

alliah_21


Arresto Menor

at isa pa po, ikinasal po kami ilang araw bago ako tumuntong ng 18 years olad.. maari po bang void ang aming kasal? nagpakasal po kami bago ako tumuntong ng 18 years old, ngunit iniba nila ang date na nakalagay sa marriage contract namin , ginawa nilang advanced ang buwan at petsa ng aming kasal, Hindi inilagay sa aming marriage contract ang mismong araw kung saan hindi pa ako nakakatuntong ng 18 years old,maari po bang void ang aming kasal? anu po ba ang maari kong gawin? salamat po,

5Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Fri Oct 23, 2015 3:53 pm

marlo


Reclusion Perpetua

Void marriage base sa iyong salaysay na ikaw ay 17 yrs old noong ikinasal ka. Kailanganin mo mag petition sa court kung nais mo ipa walang bisa ang iyong kasal. Magiging illegitimate ang bata pag natapos ang desisyon ng court at mapatunayang void ang kasal ninyo kung ito ay iyong nais.

Kakailanganin mo ang abogado para dito.

6Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Sun Oct 25, 2015 5:00 am

Pammy


Arresto Menor

5yrs na po kami hiwalay ng asawa ko,nasa akin po yun anak namin..mag karelasyon na po sya ngayon,nasa abroad sila pareho pero magkaibang country,ano pa ba pwede ko i-file regarding sa relasyon nila since hindi pa putol un marriage namin pero may relationship na sya sa iba?gusto ko po kasi masecure yun para sa anak ko dahil kami naman po yun legal.Hope to hear from you soon po.Thank you very much

7Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Sun Oct 25, 2015 7:10 am

marlo


Reclusion Perpetua

Pammy wrote:5yrs na po kami hiwalay ng asawa ko,nasa akin po yun anak namin..mag karelasyon na po sya ngayon,nasa abroad sila pareho pero magkaibang country,ano pa ba pwede ko i-file regarding sa relasyon nila since hindi pa putol un marriage namin pero may relationship na sya sa iba?gusto ko po kasi masecure yun para sa anak ko dahil kami naman po yun legal.Hope to hear from you soon po.Thank you very much

Spousal support sa iyo at financial support ng bata ang kailangan mong ma idemand sa tatay ng bata dahil ikaw ay legal na asawa niya pa. Padalhan mo ng demand letter. Kung hindi pa nagpapadala ng kahit singkong sustento, file RA9262 case pag nasa Pilipinas na siya.

Kung mapapatunayan sa court na sila ay nagsasama sa iisang tirahan o nagsiping, maari mong isampa ang concubinage case sa asawa mo pag apak niya sa Pilipinas. Ito ay kung pagkakakulong o pagkawalan ng trabaho ng asawa mo ang iyong intensyon at kung ito ay kaya mong patunayan sa court. May bail.

Kailangan mo ng abogado.

8Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Sun Oct 25, 2015 10:49 am

hannmucu


Arresto Menor

ask ko lang po may bf ako na may asawa na then Nasa ibang bansa yung babae since nung naging kami magkasama sa isang bahay kami pero hiwalay ng tinutulugan kasi bahay ng mommy ko yung tinutulyan namin. alam na ng aswa ng bf ko na my gf na syang iba nagpm sya sa fb ng bf ko sabi nya ayusin daw nila lahat maghiwalay sila ng maayos ayusin ang annulment nila. paguwi ng asawa nya nitong july hindi parin sya nakipagkita pero ako pinipilit kong magusap sila para ayusin ang annul nila oct. finally nagkita sila pero ang sabi ng asawa kakasuhan nya daw kami . paano ang gagawin ko kung ayaw ng babae makipaghiwalay pero yung bf ko gusto na nya makipaghiwalay.

9Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Mon Oct 26, 2015 1:38 am

marlo


Reclusion Perpetua

hannmucu wrote:ask ko lang po may bf ako na may asawa na then Nasa ibang bansa yung babae since nung naging kami magkasama sa isang bahay kami pero hiwalay ng tinutulugan kasi bahay ng mommy ko yung tinutulyan namin. alam na ng aswa ng bf ko na my gf na syang iba nagpm sya sa fb ng bf ko sabi nya ayusin daw nila lahat maghiwalay sila ng maayos ayusin ang annulment nila. paguwi ng asawa nya nitong july hindi parin sya nakipagkita pero ako pinipilit kong magusap sila para ayusin ang annul nila oct. finally nagkita sila pero ang sabi ng asawa kakasuhan nya daw kami . paano ang gagawin ko kung ayaw ng babae makipaghiwalay pero yung bf ko gusto na nya makipaghiwalay.

Maaring kasuhan ng legal wife ang bf mo damay ka. Kung mapatunayan, kulong, may bail.

Anong grounds ng annulment? Alamin nila ang mabuting grounds sa annulment na para sa kanila dahil ang proseso at oras ay hindi basta basta bukod sa magastos ang annulment. Walang garantiya lalo't kung walang matibay na basehan.

10Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Mon Oct 26, 2015 6:42 am

hannmucu


Arresto Menor

ano ano po bang possibilities na ebidensya ang hahanapin nya samin ? like ano po ' sorry wala po kasi ako alam sa mga ganun ..

11Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Mon Oct 26, 2015 3:56 pm

marlo


Reclusion Perpetua


Tulad ng Ibinahay ni lalaki si babae sa isang lugar o katibayan na sila ay nagsama sa isang tirahan, o kaya nagsiping.. o nagkaroon ng anak si lalaki sa babae nya.. mga ganung publicly scandalous humigit kumulang

Concubinage case ang maaring ikaso

12Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Mon Oct 26, 2015 10:28 pm

hannmucu


Arresto Menor

pero kung hindi nya mapatunayan na hindi kami nagsasama sa isang bubong ibig sabhin may possibilities na hindi sya manalo ?

13Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Mon Oct 26, 2015 10:44 pm

marlo


Reclusion Perpetua


Article 334 of the Revised Penal Code, “Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall cohabit with her in any other place, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods. The concubine shall suffer the penalty of destierro.”

kung walang mapapatunayan ang complainant o legal wife, eh di walang siyang magandang kaso na hawak o hindi mag prosper ang kaso niya dahil wala naman siya o ang abogado kayang patunayan sabi mo nga. Pero kung merun, posibleng manalo. case to case po yan.

Halimbawa, by coincidence eh naging real life friend o FB friend ni legal wife si Maria na kapitbahay naman ni mistress. Paano kung maging maging witness ni legal wife si Maria kasama ang pictures sa pagpasok labas ni mister sa bahay ni mistress, kapalit ng halagang XXX?

Paano kung may private investigator si legal wife? Maraming posibilidad na mangyari. GL

14Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Tue Oct 27, 2015 8:08 am

hannmucu


Arresto Menor

pero yung ganyang kaso kaso , madaming proseso at magastos diba ?

15Not Legally Separated Empty Legal Advice Tue Oct 27, 2015 11:13 am

alliah_21


Arresto Menor

Magandang Umaga,

Ano po ba ang mga klase ng evidence na maaring magpatunay na nagkaroon ng kabit ang ama ng anak ko? sapat na po ang litrato at sweet message nila on facebook? at maari ko pa din po ba siyang kasuhan kahit wala na sila ng babae nya?

16Not Legally Separated Empty Re: Not Legally Separated Tue Oct 27, 2015 4:07 pm

marlo


Reclusion Perpetua

alliah_21 wrote:Magandang Umaga,

Ano po ba ang mga klase ng evidence na maaring magpatunay na nagkaroon ng kabit ang ama ng anak ko? sapat na po ang litrato at sweet message nila on facebook? at maari ko pa din po ba siyang kasuhan kahit wala na sila ng babae nya?

hindi mabigat na ebidensya ang mga pictures na yun imho at depende pa po kung paano mo nakuha ang evidences mo.

2nd question, depende rin kung gaano na katagal o kung napatawad mo na din ang lalaki at kung nalipasan na din iyun ng panahon. depende siguro. paki tanong mo sa abogado

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum