Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.
marlo wrote:
Sa anong ground mo ipapa annul?
Kung parte ng iyong intensyon, maari mong kasuhan ang iyong ex-husband dahil sya ay may pamilya na at kinakasama ng iba basta mapatunayan mo ito sa court. Kulong. May bail. Kung ito ang iyong nais.
Alamin mo ang mga grounds for annulment. Kakailanganin mo ang magaling na abogado kung pscy incapacity ang gagamitin mong grounds at ito karaniwang magastos.
Maari kang kumonsulta sa abogado para makakuha ng legal advise para sa iyong minimithi.
miles16 wrote:
Wala po ako intensyong ipakulong sya, gusto ko lang po maiannull ang kasal namin sa ikatatahimik na din ng bawat isa sa amin. For 11 years namin pagsasama, puros pasakit at hirap ang dinanas ko. Iresponsable, drugs, barkada, inom ang importante sknya. Marami po ang makakapagpatunay nyan kahit mismong mother in-law ko alam nya na ganon ang anak nya. Ilan taon din kaming umasa sa mother ko dahil sa kakulangan ng suporta nya sa amin. We have 4 kids, at nagkaroon pa sya ng ibang anak sa iba so instead na sa mga anak ko mapupunta ang malaking parte ng kinikita nya sa ngaun, nahati pa dahil sa iba nyang pamilya. Kung sa ebidensya lang po, marami. May Facebook account po sila non kinakasama nya at andon po nakapost pati ang anak nila.
Wala ako intensyon maghabol pa, masaya na sya don at mas ok na ako sa ngaun. Ang gusto ko lang po talaga maipawalang-bisa ang kasal namin at maialis sa pangalan ko ang apelyido nya.
Free Legal Advice Philippines » FREE LEGAL ADVICE » FAMILY AND MARRIAGE » Need legal advice for annulment
Similar topics
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum