I am posting here in hope that someone could give me some legal advice that could help me and my bf get through with it.
This is all about my bf's marriage with his wife.
Ngayon pa lang po ay pagpasensyahan niyo na po kung mahaba man ito. Nais ko lamang po ng detalyadong pagpapahayag upang lubos po ninyong maunawaan ang sitwasyon. At nagpapasalamat na ako ngayon pa lamang sa mga taong makakadulog sa aking mga pagkonsulta.
They've been married for almost 7 yrs. And they're living separately for one year and a half. 19 y/o pa lang sila when they got married. And this was because her wife got pregnant already. Since then naging magulo na ang kanilang pagsasama, kwento ng bf ko. Nagtrabaho at nagpatuloy ng pagaaral ung wife niya, ngunit lingid sa kanyang kaalaman kung saan ito kumukuha ng pangtustos sa kanyang pagaaral, dahil wala din maibigay na suporta ung pamilya ng babae. Gayun din ay wala din trabaho si lalaki. Madalas daw ay madaling araw na umuuwi ung wife niya, at madalas pa ay nakakainom ito. Nakakabasa ang bf ko ng mga text ng wife niya at nang lalaki niya, proof that she is seeing another guy. Madalas nila pinagaawayan ito at madalas ay pinalalampas na din ng bf ko dahil madalas pumapagitna ang kanyang mga magulang at nagpapayong pagusapan ng maayos. Marami sa mga kaibigan niya ang nakakakita at nagsasabi na may mga ibat ibang lalaking nakakasama ang kanyang asawa. Sa kahihiyan at depresyon tuluyan na itong nawala sa direksyon, naloko sa pagaaral at nawalan ng interes at amor sa kanyang asawa. Lumaon ay lumala pa ang pangangalunya ng kanyang asawa. She traveled in Hongkong with her paramour, that is also a married man. He got their photos, even the photo of a receipt in the hotel where they checked-in in hongkong and in manila. Pati na din ang kanilang hotel room kung saan naroon makikita na magkasama ang kanilang mga gamit sa mismong iisang room. Sa mga panahon din na iyon ay isinasama ng kanyang asawa ang kanilang 6 y/o na anak sa kanyang lalaki. Kwento pa raw ng bata na may bagong crush ang kanyang mama at nagpupunta daw sila sa kwarto na sobrang lamig at may malambot na kama na kung saan ay magkatabing natulog ang mama niya at ang lalaki, samantalang siya daw ay sa hiwalay na higaan. But at that time we already have a relationship.
I never knew before that he was indeed married. Umamin lang siya 3 mons. Ago, but he made me believe that they were already living separately. And so i thought it was ok since they are having no problem with each other and they only concern was with their son. I continue having relationship with him. Time had passed and I discovered and knew almost everything. Dahil may mga text and calls na akong narereceive from his wife. But then still continued our relationship.
Then, last year her wife unknowingly been to Singapore with his paramour, again. Ang paalam daw sa parents ng bf ko ay pupuntahan lang ang kapatid niya na nasa palawan. Madalas na naiiwan ang anak nila, may trabaho ang bf ko ng mga panahon na un at wala naman trabaho ang kanyang asawa, ngunit palagi itong umaalis ng bahay. When she came back tuluyan na sila naghiwalay, dahil pinalayas na siya ng parents ng husband niya. Sa maraming kadahilanan. Tangay niya ang kanilang anak at hindi naman nila ito ipinagkait dahil alam nila na karapatan niya ito. Kahit na alam din nila na walang kakayanan na maalagaan ang bata. Dahil hindi sila maaring tumira sa puder ng mga mgaulang niya dahil sa 2 kapatid nitong mag mental disablity ay nagdesisyon sila na mangupahan doon din malapit sa bahay ng magulang ng bf ko. Madalas ay naiiwan ang bata sa kapitbahay kapag umaalis ang kanyang ina at maabutan na lamang na nasa harapan ng gate sa bahay ng mga magulang ng bf ko sa dis oras ng gabi. Patuloy rin na ini-eskandalo ang pamilya ng bf ko ng kanyang asawa at minsan ay hinaras na rin siya nito, kaya nagpa blotter na siya na hindi na maaring lumapit o tumungtong sa kanilang bahay. Ngunit isang umaga, pagkagaling sa duty ng bf ko ay pumasok sa loob ng bahay ang kanyang asawa habang siya ay natutulog. Tinangay ang ilan sa kanyang mga gamit, mahahalagang papeles at kabilang na ang cellphone at ilan sa mga personal kong gamit na pinadala ko sa bf ko noong huli kaming nagkita. Nabasa niya ang ilan sa mga conversations namin thru text. At maging ako ay binantaan niya na din na may gagawin aiyang hindi maganda sa oras na makita niya ako. Ngunit hindi ako sumagot o lumaban.
Lumipas din ang taon at naging tahimik na din siya. Dumating ang araw na nagpahiwatig at nagsabi na gusto na niya ng annulment. Sinabi din niya thru text na may nahanap na siyang iba at masaya na siya sa buhay niya. Mayroon na din nakakita sa kanya na may kasamang ibang lalaki na animo'y may intimate relationship na. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay naguumpisa na naman siyang manggulo sa kanilang pamilya at nag nagsasabi na nagsasama na kami ng bf ko. Sa pagkabahala ng lahat lalo ng kanilang anak ay nagdesisyon na ang bf ko na gipitin siya. Pinagbawalan na niya na makita niya at mahiram ang kanilang anak hangga't hindi siya humaharap sa kaniya para sa maayos na pakikipagusap at pagkakasundo. At para maisaayos ang annulment lalo na ang kustodiya ng bata. Noon pa man ay nais na niya ng legal at matahimik na pakikipagusap at magkaroon ng kasulatan na magpapatunay na talagang hiwalay na silang dalawa, ngunit hindi humaharap ang kanyang asawa para makipagusap. Sa halip ay puro pagbabanta na mageeskandalo siya.
Question:
1. Malakas po ba ang magiging laban ng bf ko against his wife kung mag file siya ng adultery case gamit ang mga pictures at ang salaysay ng kanilang anak? Maging ang mismong pag-amin niya na mayroon na siyang iba?
2. Kung sa annulment, anong maaring mga grounds for petition? Sa detalye ng kwento is there any circumstances that shows that she is psychologically incapacitated where she is unable to perform her duty as a wife? Dahil palagi siyang wala sa bahay, naiiwan ang kanilang anak.. uuwi ng madaling araw madalas nakainom pag umuuwi and not telling her whereabouts.
3. Does she can file concubinage against me and her husband? We are now living together for couple of months. But with her allegation that she got witnesses that he was indeed bringing someone home, which is me, but she doesnt know who i am, we decided to live apart until makipag settle ung wife niya ng maayos.
4. And with regards sa condition na hindi niya pagpapakita sa anak niya sa wife niya not until makipagusap siya ng maayos, papasok po ba ito sa philippine act against woman and children? Maari din ba na makasuhan ang bf ko hinggil dito? Ano ang maaring maging depensa ng bf ko kung sakali man na kaharapin niya ito?