Nag signed po ako ng 1 yr as contractor sa isang IT company. Currently, nakaka 6 months na ako, pero dahil sa pressure at schedule (night-shift) ay naapektuhan na po health ko at na stress na rin ako. Dahil dyan, plan ko na mag resign at maghanap ng normal hours sched. Sa contract ko po, meron nakalagay na 100,000.00 liquidated damages or actual damages amount if I terminate the contract without completing my 1 yr. Wala sya nakalagay number of days notice, bagkus ay yong 100k liquidated damages lang.
Ang tanong ko po:
1.) Pag po ba ako nag resign at nilagay ko na babayaran ko na lang yung 100k enough na po kaya yun? worry ko kasi is yong actual damages baka pabayaran pa sa akin and i based sa 6 months remaining ko..
2.) Pag nagbyad po ba ako ng 100k, pwede na po ba ako mag 1 day resignation? based kasi sa computation ko, yung makukuha ko na last pay is sobra pa sa 100k na sya.
3.) Kung sakali po makiusap sila na mag 30 days notice na lang ako, dpat po ba wala na ako babayran na 100k or actual dmage?