Hi I need advice, kasi I still have the keys dun sa condo unit na nirentahan ko ng bedspace dahil nung nag move out ako wala yung lessor. Okay lang ba na di ko muna sya ibalik kasi hindi pa rin niya binabalik yung 2 months deposit ko? Sabi kasi nya bigla bigla samin, 2 weeks after move out pa raw nya ibabalik. Ang story nito is I rented a bedspace sa isang condo sa mandaluyong. Walang contract or whatsoever, and masasabi na illegal yung stay namin dun. But then syempre nung una ang gusto ko lang naman is may matuluyan ako kasi kakastart lang ng work ko sa mandaluyong, kaya hinayaan ko nalang kahit hindi kami naregister dun sa condo. So, ayun until nakahanap ako ng malilipatan I advised the lessor na aalis na ako. I followed her rule na 1 month notice, so after ko magpaalam, I still paid for my last month rent then unang usapan namin is ibabalik nya yung 2 months deposit ko pag move out ko. But then, 2 weeks before my move out nagtext sya saying na ibabalik nya yung deposit ko 2 weeks after move out dahil pinagalitan daw sya ng mom nya na di daw dapat binabalik kasi may damages daw na di agad-agad nakikita. Ayun, may right ba ako na hindi muna ibalik yung susi until she returned my deposit? Thank you.