May bahay at lupa po kami at ang nanay ko ang may ari at naka pangalan sa titulo, ngayon po may half sister po ako na nasa abroad, half sister ko po siya sa nanay ko at since 1999 til now ay hinde pa umuuwi dito sa pinas, may inutusan ang half sister ko na tao yung kamag anak nang asawa nya na pumunta dito sa bahay namin at pa pirmahin si mama ko na huli na nang malaman ko ay deed of sale na pala iyon at ang nakalagay ay binebenta na nang mama ko sa half sister ko ang pag mamay ari nyang property dito, kaso si mama ko ay pina pirma nang hinde nya alam kung ano iyon, dahil ang nanay ko ay 74 years old na, malabo na ang mata at may alzeimer na, so lumalabas na sinamantala nila ang kundisyon nang nanay ko. At ang original copy of tittle nang nanay ko ay ang may hawak ay ang half sister ko na. That is year 2010 pa, ngayon po ay nagpunta ako sa assessor office at ang half sister ko na po na nasa abroad ang owner at si mama ko na ang prev. Owner. Ang tanong ko po ay ganito, may habol po ba kami nang nanay ko sa property? May habol din po ba ako doon bilang kapatid? Pwede po ba ipa cancel and d.o.s? Maibabalik pa ba sa nanay ko ang pagmamay ari nang titulo? Salamat po sa mga sasagot. Tulungan nyu po kami please lang po at hinde na din namin alam ang gagawin. - umaasa nino.