Nabasagan po ako ng koche at kinuha po lahat ng gamit ko sa loob. Nung dumating po kami sa koche may dalawang lalaki po nakatayo malapit sa koche at may hawak na martilyo. So sila po naging suspects namin. Kinulong po sila at ininquest. Sa kaso po na nilagay ng imbestigador ay theft with force upon things. Pina soco ko po pero wala po fingerprints na nakuha dahil baka ginamitan ng gloves. Paglabas po sa court ng case ang lumabas theft lang po ang kaso? Pano po kaya yun? Bakit po nangyari yon?