ung namayapang lola ko po kasi ay benipisyaryo ng CLOA under CARP. sa pag survey po ng engr. umabot po ng 50,001 square meters ang sukat at alangan din alisin ung 1 square meter. Sabi po nila nasa batas daw po ay hanggang 5 hectares lng ang pwede ipangalanan sa isang benipisyaryo kaya ang nangyari po ay ipinangalan na lng muna ng lola ko sa isa kong uncle ung 20,001 square meter na lingid sa kaalaman ng mga kapatid nya including po ung mother ko.
Dumaan po ang ilang taon ay nagkatitulo ang mga ito, 30,000sqm kay lola at 20,001 dun sa isa.
Nais po sana ibenta ung Lupa na may 3Hectares nung ibang tita at mama ko, kaso po ay humahabol ung tito ko na pinangalanan nung ibang lupa.
Alam po ng mga kasamahan na tenants nung lola ko na 5hectares tlga ang makukuha niya at wala naman po deed of sale ung uncle ko na pinangalanan nung ibang lupa.
May magagawa po ba kaming hakbang upang hindi na sya makahabol?
Maraming Salamat po.