Nagresign pa po ako ng January 2015. One of the reasons why I left the company is because kinakaltasan kami sa sweldo ng mga govt mandated benefits, habang di naman nila kami nagawan ng number (philhealth#, even TIN#). Buti nalang at ako yung naglakad ng PAGIBIG at SSS# ko, kasi kung hindi baka wala ako number. Anyway, may number man ako o wala, hindi naman nila hinuhulog yung pera ko doon. I was working for almost more than 12hrs/day and almost 7 days a week for 8 months. Kaya po big deal sakin itong mga ito, kasi napakalaki ng kaltas. Also, up until now di pa po nabibigay sakin ang last pay ko. I exited January 15, pero kahit sa tingin ay nabigay na sakin yung last pay ko, iniipon kasi ng company yung OT hours namin, tapos binabayad po yun every 15th of the next month. Kaya alam ko po may makukuha padin ako gawa ng OT hours ko for the month of January. Paulit ulit ko pong inuupdate HR namin dito, kaso ang lagi nyang sinasabi iuupdate daw nya ako. Pero d naman nya ako inuupdate unless humingi pa ako ng update. Humihingi ako ng computation ng last pay ko kasi sabi nung HR wala na daw ako makukuha. Pero hanggang ngayon walang binibigay. Napakaineffective nila.
My current employer gave me my philhealth# and as soon as nakuha ko ung number bngay ko na un agad sa HR ko dati. Pero up until now hindi pa rin nila nahuhulugan ako ng contributions. Not yet sure sa PAGIBIG at SSS, pero sa philhealth wala pa sila miski singkong naihuhulog.
Any advice how to handle my situation Sir? I already send a legal inquiry sa DOLE pero di nila ako pinapansin. Please help.