Seeking your advice po sa incident na nangyari sa mama ko sa G Salon Farmers Cubao branch. Nadisgrasya ng pedicurist nila ung toe ng mama ko, kinailangan operahin ung daliri niya para tanggalin fully ung toe nail niya para gumaling at matuyo ng maayos yung wound.
Prior pa po sa operation, nireport na namin sa salon ang nangyari. Sabi ng manager nila, irereimburse nila yung magagastos namin sa hospital. Nung natapos na ung operation, sinabi namin ung nagastos namin but they refuse to pay. We have all the receipts and prescriptions. Ayaw din magbayad nung owner. Ang sabi nung manager, wala daw pakialam ung owner nila sa nangyari at ang singilin daw namin eh ung empleyado nila na nakadisgrasya sa daliri ng mama ko.
Ayaw din magbayad nung empleyado dahil hindi daw kaya ng sahod niya. Hindi po ba liable ung salon mismo sa nangyari? Hindi po ba responsibilidad nila yung customers nila?
Hope you can provide us an advice po on how to deal with this. The owner of the salon refuse to talk to us at hindi daw po nagpupunta sa branch nila according po sa mga empleyado nung salon.
Please advice po, 60 years old na po ang mama ko and diabetic pa, so mas matagal po gagaling un wound niya and 3 weeks na siya hindi nakakalakad ng maayos.
Thank you.